Paano Magluto ng Adobong Baboy

Isa ang Adobo sa pinakapaboritong ihain ng mga Filipino sa kani-kanilang hapag kainan dahil sa bukod sa madali itong iluto, maaari ka ring mag-eksperimento ng iba’t-ibang klase ng luto nito. Bukod sa karne ng baboy, pwede ring mag-adobo ng manok, seafoods o pagsamahin ang karne ng baboy at manok.

adobong baboy recipe

Image Credit : Filipino Food Recipe

Mga Sangkap ng Adobong Baboy

500 grams ng karne ng baboy, hiwaan ng naaayon sa gustong lake
3 piraso ng bawang na pinitpit
1 kutsaritang pamintang buo
3 dahon ng laurel
1/2 tasa ng toyo
1/3 tasa ng suka
1 kutsarang asukal
asin
mantika

Paraan ng pagluto ng Adobong Baboy

1. Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel, paminta at toyo sa kaldero at imarinate ng 30 minuto.

2. Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40 minuto o hanggang lumambot ang karne. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.

3. Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.

4. Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa.

5. Hanguin ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce.

6. Sa kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown.

7. Ibalik ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit 1 minuto.

8. Ilagay sa lalagyan ang Adobong Baboy at ihanda ito sa hapag kainan.

Mas madaling paraan ng pagluto ng Adobo : How To Cook Filipino Pork Adobo

Narito naman kung Paano Magluto ng Adobong Manok : Click Here

Latest Comments

  1. Rina amamio July 8, 2015
  2. lezel aritanio January 12, 2016
  3. elmer July 20, 2016
  4. ramosjosepeter March 20, 2017
  5. Quennie July 21, 2017
  6. Xai October 3, 2017

Leave a Reply