Minsan mo na rin bang naitanong sa iba kung paano ka magkaka-boyfriend o magkakaruon ng jowa? Kung oo, huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa. Marami rin sa ating kababaihan ang naghahangad na magka-boyfriend at makita na ang lalakeng makakasama nila sa habambuhay. Hindi naman imposible na makahanap ka ng magmamahal sayo, yun nga lang, hindi ka pwedeng maghintay na lamang sa isang tabi at magmukmok. Kailangan mo ring gumawa ng paraan paminsan-minsan kung sa tingin mo 48 years ka nang hindi nagkakaboyfriend.
Ito ang ilan sa mga tips kung paano magka-boyfriend o magkaruon ng jowa
1. Lumabas ng madalas – Ang pagkukulong sa bahay o sa opisina ay hindi makakatulong para mahanap mo ang iyong magiging boyfriend. Maging palakaibigan,Kung ikaw ay nagtatrabaho, matutong makihalubilo sa mga kaopisina lalo na sa mga lalake. Malay mo isa sa kanila ay may crush sayo at naghihintay lang na lapitan mo para masabi nya ang kanyang nararamdaman. Wag maniwala sa sabi-sabing darating din si Mr. Right para sayo nang wala kang ginagawa kundi maghintay. Minsan ikaw mismo ang dapat gumawa ng paraan upang magkatagpo ang inyong landas.
2. Baguhin ang nakasanayan – Makakatulong na mahanap mo ang iyong magiging boyfriend kung ang nakasanayang gawin sa araw-araw ay baguhin. Maaaring pumunta sa ibang lugar o magbakasyon kasama ang mga kaibigan sa araw na walang kayong trabaho. Makakatulong din na mag sign up sa isang malapit na gym sa inyong lugar at duon ituloy ang pag-eexercise kaysa gawin ito ng mag-isa sa loob ng inyong bahay. Sa ganitong paraan posibleng makakilala ka ng bagong kaibigan na maaaring maging kasintahan kapag nagkapalagayan kayo ng loob.
3. Alamin kung ano ang hinahanap mo sa isang relasyon – Ang pakikipagrelasyon ay hindi basta-basta. Hindi pogi, go ka na. Maraming relasyon ang hindi tumatagal dahil lamang sa hindi alam kung ano ang pinasok nila. Oo nga’t walang perpektong boyfriend, na andun na lahat ng hanap mo, pero im sure meron isa o dalawa sa katangiang hanap mo sa isang lalake ang nagtataglay nito. Hindi sya perpekto pero kung kayo ang magkakatuluyan posibleng maging perpekto ang lahat para sa inyo.
4. Isa-puso ang pagiging Girl Scout – Yes, dapat lage kang handa. Hindi mo alam kung kailan darating ang pagpapatibok ng puso mo. Malay mo isang araw kaharap mo na sya. Kaya mas mabuting panatilihing maaayos at kaaya-aya ang pananamit at hitsura sa loob o labas man ng iyong bahay.
5. Gawing aral ang mga nakaraan at huwag nang bitbitin pa sa kasalukuyan – Maaaring may mga nakarelasyon kang hindi naging maganda ang resulta, gawin lamang aral ang mga pangyayari sa inyong nakaraan at huwag nang masyado pa itong damdamin, upang maging mas madali para sa iyo ang makahanap ng bagong karelasyon at hindi na maging pabigat pa ang dinadamdam mong nakaraang relasyon.
Ang paghahanap ng boyfriend ay hindi madalian. Minsan kailangan mo rin ng kaunting tyaga at pasensya. Pero sa tamang oras at lugar, sigurado makikita mo rin sya.
ay ako wala padin 3years na akong nag-iisa..puro work nalang.
Naghahanap ako jowa.
Im 23 years old male.
Hi guys paano po magkajowa
Sa sobrang tigang ko sa age 30 at wala pa ring boyfriend in real life eh napadpad ako sa page na to. Nagkaroon ako ng 2 ex-bf pero sa online lang at LDR pa. Sa real life kasi mahiyain talaga ko kaya napagkakamalang mataray/maldita kaya ilag mga tao sa kin. Gusto ko nag magkajowa yung mahahawakan ko at mamamanyak ko huhuhu Lord, when ba
nakakatawang isipin na maghahanap talaga ako sa website kung paano magkaboyfriend, desperada na ba ? haha pero thankful na rin sa tips na ‘to
I am 24yrs NBSB dahil nakalimutan ko nang magmahal dahil nakafocus lang ako isang bagay. Nasubukan ko ring yung mga dating apps pero ghosting lahat hanggang sa may nagparamdam sakin ngayon ,classmate ko before noong highschool, then nalilito ako kung sasagutin ko ba siya kasi na tuklasan kong kakabreak niya palang doon sa kanyang long term ex gf for 4 or 5 yrs ata sila hahaha. Inistalk ko lang kasi sya sa dati niyang mga post hindi ko pa tinanong sa kanya about dito.Natatakot akong pumasok sa ganitong relasyon na baka panakip butas lang ba nya ako or baka sa huli balikan niya parin niyong ex niya. Pls I need you advice guys hl????
Good day ma’am!! Pwede po bang kuhanin ko ang nga tips for educational purposes lang po. Don’t worry i-po-proper cite ko po hehe ty!
Gusto ko na talagang ma-experience ang magkaroon ng karelasyon dahil halos lahat kasing ka-edad ko ay nagkakaroon na ng mga ex’s at bf samantalang ako ni isa wla pang experience. Kaya napadpad ako sa page na’to. Im so eager to have a loverrr arghhh!
Hi po how old are you po
natatawa nalang ako sa sarili ko at umabot talaga ko sa point na maghahanap ako ng ganitong page.
Paano kung tahimik yung babae pero nakikihalubino sa mga babae at hindi masyado sa lalake?
May mas deserving pah bang darating .
gusto ko ang pahinang ito.. nakakakuha ka nag mga tips at marami ka pang natututunan
Wala nbang matinong lalaki ngaun?
Super dami pa naman
marami pa pong matinong lalake ngayon 🙂
Nasasabi mong wla ng matinong lalake sa ngaun kasi cguro nkaranas kna ng panloloko or nakikita mo sa mga kaibgan mo na nilolo cla ng ka rel. nila:)
Ang sabi ng kaibigan ko kong paano magkaboyfriend…