Ang Bank of the Philippine Islands (BPI) ay itinatag noong 1851 at isa sa pinakamatanda at pinakamatatag bangko sa Pilipinas.
Marami itong mga branches sa buong bansa kaya isa ito sa pinakamagandang bangko na maaaring pag-impukan ng iyong salapi.
Paano nga ba magbukas ng savings account sa BPI? Eto ang mga hakbang:
Mga kakailanganing dokumento (Requirements):
- 2 Valid IDs – Bilang Proof of Identity (Driver’s License, Police Clearance, Barangay Clearance, NBI Clearance, Philhealth, Senior Citizen Card, Passport, PRC, Postal ID, Voter’s ID, atbp.)
- Utility Bill – Bilang Proof of Billing Address (Electricity Bill, Water Bill, Internet Bill, Credit Card bills, atbp).
- 2 Kopya ng 2×2 Photo (pinakabago) – Maaari ring magdala ng karagdagang 1 x 1 photo
- Pera para sa initial deposit – Ang halaga ay depende sa kung anong uri ng savings account ang nais ninyong buksan
- TIN – Ito ang bagong requirement
Mga Hakbang:
- Pumunta a pinakamalapit na branch ng BPI kung saan nais ninyong magbukas ng account. Mabuting agahan upang hindi abutan ng rush hour at mahabang pila. Alamin lamang ang oras ng pagbubukas ng bangko.
- Magtanong kung saan puwedeng magbukas ng bagong account at pumila kung kinakailangan
- Kapag nabigyan na ng ‘Application Form’ punan ang mga kailangang impormasyon. Siguraduhing tama lahat ng impormasyong ibinigay bago ito ibalik sa teller.
- Hintaying matapos ang proseso ng iyong application. Dito ay hihingan ka ng ‘initial deposit’ depende kung anong klaseng account ang bubuksan mo (Tunghayan ang karagdagang impormasyon sa ibaba)
- Maaaring kailangang maghintay ng 1-3 araw bago ma-activate ang iyong account. Ikaw ay bibigyan din ng ATM kit. Ang iyong account ay maaaring i-enroll sa kanilang online o mobile banking para sa karagdagang convenience.
- Maghintay na maactivate ang iyong account bago ito gamitin. Subalit kapag nagkaroon ng problema, maaari naman kayong bumalik sa branch o kaya ay tumawag sa kanilnga hotline para isangguni ito.
Mga klase ng savings account sa BPI at importanteng impormasyon:
BPI Easy Saver Account
- P200 initial deposit
- Zero (0) maintaining) balance
- P5 ang charge sa bawat withdrawal mula saan mang BPI Express Teller ATMs
- P50 bayad sa Express Teller Card fee
- P100 charge sa over-the-counter withdrawal saan mang BPI Branch
BPI Express Teller Savings Account
- P500 initial deposit
- P3,000 kada buwan na maintaining balance
- P5,000 daily balance para kumita ng interes
- 25% interest rate per annum
BPI Passbook Savings Account
- P10,000 initial deposit
- P10,000 kada buwan na maintaining balance
- P25,000 daily balance para kumita ng interes
- 25% interest rate per annum
BPI Save-up Automatic Savings Account
- Dapat may existing at active na account sa BPI
- 0 initial deposit
- P1,000 maintaining balance kada buwan
- P3,000 daily balance para kumite ng interes
- 5% – 0.8% interest rate per annum depende sa klase ng account
BPI Jumpstart Savings Account
- P100 initial deposit
- P500 kada buwan na maintaining balance
- P1,000 daily balance para kumita ng interes
- 50% interest rate per annum
Maxi Saver Savings Account
- P50,000 (ATM) o P75,000 (Passbook) initial deposit
- P50,000 (ATM) o P75,000 (Passbook) kada buwan na maintaining balance
- P50,000 (ATM) 0 P75,000 (Passbook) daily balance para kumita ng interes
- Interest rate:
- P50,000 pababa – N.A
- P50,000 – P499,999 – 0.250%
- P500,000 – P999,999 – 0.375%
- 1-M pataas – 1.000%
- May 0.5% na bonus kapag walang withdrawal sa loob ng isang buwan.
Paano mag-open ng Savings Account sa BDO
Leave a comment