Sa ngayon lubhang napakadali na lamang mag-renew ng sasakyan basta wala itong problema, legal man o pisikal.
Ang unang dapat tandaan ay ang mga dokumentong kailangansa renewal process tulad ng mga sumusunod:
- Photocopy ng Certificate of Registration (COR) at official receipt (OR) of payment
- Kopya ng Insurance Certificate of Cover (COC) [Puwede ring kuninsa LTO mismo]
- Duly accomplished and approved Motor Vehicle Inspection Report (MVIR)
- Certificate of Emission Compliance (CEC) [Mayroon din sa LTO]
- Taxpayer’s Identification Number (TIN)
Mga hakbang:
- Pumunta sa pinakamalapit na opisina ng Land Transportation Office (LTO). Mas makabubuting agahan upang maiwasan ang pila.
- Iwasang makipag-deal sa fixer upang hindi tagain sa bayad. Hanapin ang unang Evaluator na susuri sa dokumento ng iyong sasakyan at ipasa ito.
- Kapag tapos na, ikaw ay sasamahn ng isang LTO staff o technician para ma-stencil ang engine number at chassis number ng iyong sasakyan.
- Magbayad para sa Third Party Liability (TPL) insurance na nasa loob ng LTO. Puwede rin itong kunin sa labas para mas makatipid. Ang TPL ay nagkakahalaga ng P600 – P1200
- Pumuntasa Window 2 para ma-record ang iyong plate number sa national database kapag ito ay wala. Pero kapag nasa record na, dumiretso sa emission testing.
- Puwedeng gawin ang emission test sa labas o pribadong kompanya para makatipid. Subalit para iwas-abala, maaaring sa LTO na rin magpa-emission test. Ang bayad sa testing ay P460.
(Sumunod lamang sa instructions ng technician para mapabilis ang proseso)
- Kapag tapos na ang testing at pumasa, ikaw ay papupuntahin sa Records Section ng LTO para i-update ang kanilang database.
- Pagkatapos ma-update, bumalik sa inspector sa Window 6. Hintayin lamang na tawagin ang pangalan ng cashier na kukuha sa iyong ID. Bayaran ang bayad sa renewal na aabot sa P1,200 hanggang P5,000, depende sa uri ng sasakyan.
- Matapos magbayad, pumunta sa Releasing Section para kunin ang iyong bagong sticker.
Mga dapat tandaan:
Ang rehistro ng sasakyan ay may bisa hanggang 3 taon. Subalit ang pag-renew nito ay depende sa last digit ng iyong plate number. Tandaan din na maaari mo itong gawin one month in advance:
1– Enero
2 – Pebrero
3 – Marso
4– Abril
5 – Mayo
6 – Hunyo
7– Hulyo
8– Agosto
9 – Setyembre
0 – Oktubre
Para naman sa kung anong linggo ng buwan ka dapat pumunta sa LTO, mayroon ding nakatakdang schedule na dapat sundin at ito ay depende sa 2nd to the last digit ng iyong plate number naman:
2nd to the last digit ng Plate Number Weekly Deadline
1, 2 at 3 1st hanggang 7th naaraw ng buwan
4, 5 at 6 8th hanggang 14th
7 at 8 15th hanggang 21st
9 at 0 22nd hanggang katapusan ng buwan
IMPORTANTE: Kapag lumampas sa deadline ang iyong registration, ikaw ay papatawan ng P200 na parusa kada linggo. Kapag ito ay lumampas sa isang buwan, ang parusang ipapataw ay 50% MV User Charge (MVUC). Ang naturan ghalaga ay maaaring umabot ng P700 hanggang P4,000 depende sa klase ng sasakyan.
Leave a comment