Paano Magluto ng Sinigang na Bangus

Maraming paraan ng pagluto ng Sinigang, kanya-kanyang diskarte sabi nga nila. Dedepende ito sa kung anong lasa ang nais mo. Marami ring pwedeng isigang, gaya ng manok, baboy, at bangus. Hayaan nyong ituro namin sa inyo ang pinakasimpleng pagluto ng Sinigang na Bangus.

sinigang na bangus

Mga Sangkap ng Sinigang na Bangus

1 Bangus
6 pcs Sitaw
2 pcs Talong (small)
1 Kamatis
Sinigang Mix
Patis

Paraan ng pagluto ng Sinigang na Bangus

1. Hiwa-hiwain ang kamatis, bangus, talong at sitaw ayon sa gustong lake

2. Pakuluan sa 3 tasang tubig ang kamatis at Sinigang Mix. Maglagay lamang ng tamang dami ng Sinigang Mix ayon sa gustong asim ng sinigang.

3. Kapag kumukulo na, ilagay ang bangus at hayaang kumulo ng 5 minuto o hanggang sa maluto ang bangus.

4. Ilagay ang talong at sitaw

5. Lagyan ng patis ng naaayon sa lasa

6. Hayaang kumulo ng 3 minuto.

7. Ilagay sa lalagyan ang Sinigang na Bangus at ihanda sa hapag kainan.

Latest Comments

  1. roy escasinas March 20, 2017

Leave a Reply