Ngunit kahit hindi pa sumikat ang TLW, matindi na din ang pinagdaanan ng maraming mga misis sa buong Pilipinas ng dahil sa pangangaliwa ni mister. Paano nga ba malalaman kung sumasakabilang bahay si mister?
1. Pansinin kung paano niya ginagamit ang kanyang celfon. Lagi ba itong naka-silent pero mukhang madami syang ka text?
2. O kaya ay naka-lock ba ito na hindi mo alam ang code (para maiwasan na iyong mabuksan)?
3. O kaya naman ay tangan tangan niya ito kahit saan, hindi maaaring mawalay sa kanyang tabi kahit naliligo?
4. Kung may kausap sya sa telepono, pabulong ba kung siya ay magsalita o kaya ay hindi niya sinasagot ang tawag kung nandiyan ka? Yung inbox at sent items, wala bang laman? Tiyak, binura yan para hindi mo makita kung anong mga pinaggagawa niya.
5. Pansinin kapag lagi na lang lumalabas si mister, kahit pa sabihin niya na mga kaibigan lang niya ang kasama at ayaw ka pa nyang sumama.
6. Nagkakamali siya ng pagtawag sa iyo. Kunwari, “sweetheart” sana ngunit biglang naging “honeybunch”.
7. Kapag ang lalaki ay pinagkikitaan ng kawalan ng gana sa iyo at sa inyong mga anak, maaari din na senyales yan ng pangangaliwa.
8. Pansinin din kung sya ay laging galit at nagsisimula ng away, lalo na kung hindi naman siya dating ganun.
9. Ang mga nangangaliwa, laging may hawak na sikreto yan. Kaya hindi mo na nalalaman kung ano ang kanyang mga pinagagawa or kung saan siya pumupunta.
10. Masikreto na din ba siya sa kanyang mga pinaggagastusan ng pera or kaya ay biglang lumiliit ang kanyang binibigay para sa badyet?
11. Yung ibang lalaki naman, biglang nagiging malambing at mapagbigay ng regalo gayung hindi naman dating ganun.
Pero syempre, hindi porke’t may mga senyales si mister, eh nangangaliwa na talaga siya. Minsan, ang hirap talaga malaman ang totoo. Pakiramdaman mo muna o kaya ay magtiwala na lang na mananatiling tapat si mister.
Leave a comment