Paano Magbenta at Kumita sa Internet

online-shopping-cart

Ang internet ay maaari mong gamitin upang kumita ng pera – sa abot ng iyong makakaya o depende sa iyong mga talento at kasanayan. Gamitin ang internet upang magbenta at kumita ng pera. Sa paraang iyan, hindi mo na kailangan magtayo at magbukas ng tindahan. Mas madami din ang kliente na maari mong pagbilhan ng iyong mga produkto dahil kahit saan sa Pilipinas, puede na bumili sa iyo.

1. Alamin kung ano ang gusto mong itinda – magsaliksik ka ng kung ano ba ang uso ngayon. Syempre, kung ano ang uso, yun ang mas hinahanap ng tao sa internet. Halimbawa, monopod ang uso ngayon dahil sa hilig ng mga tao ng selfie. Puede ka magtinda ng ganun.

2. Maghanap ng supplier na magtitinda sa iyo ng mura upang iyong mabenta. Madami nyan sa mga sites tulad ng eBay at olx. Makakahanap ka din ng supplier sa Facebook. Maaari din na mamili ka sa Baclaran, Divisoria, at ibang bagsakan ng mga murang paninda.

3. Kunan mo ng larawan ang iyong mga ibebenta.

4. Gumawa ka ng page sa Facebook or kaya ay website ng iyong tindahan. I-post ang mga larawan na may kasamang paglalarawan kung ano ang bawat isa. Lagyan ng katumbas na laki (size) kung ito ay mga damit o sapatos.

5. Kailangan mo din magbukas ng account sa banko o maghanap ng ibang paraan upang mabayaran ka ng iyong mga kustomer. Puede naman sa mga pera padala dahil madaming pawnshop at money sender sa buong Pilipinas. Mag-ingat lang sa pagbahagi ng impormasyon tungkol sa iyong bank account – puede mo yan ibigay sa mamimili kung napatunayan nya na totoong bibili sya.

6. I-share ng i-share ang mga post mo tungkol sa mga paninda mo. Ibahagi mo yan sa Facebook mo. Maghanap ka din ng mga group sa Facebook para sa mga mamimili – madami yan.

7. Magtiyaga lang sa pagpost hanggang may bumili.

8. Alagaan ang iyong mga kustomer. Kung maaari, humingi ka sa kanila ng feedback na may kasamang larawan para ma post mo din sa page mo.

9. Palaguin ang iyong puhunan at maghanap lagi ng mga bagong bagay na maari mong ibenta upang pagkitaan.

Latest Comments

  1. raymark November 18, 2015
    • sarah jhane July 15, 2018
  2. yvette caaballero August 18, 2016
  3. Cj July 13, 2017
  4. analiza July 26, 2017
  5. Renedel December 29, 2018
  6. Kelvin clint Quinto June 2, 2020

Leave a Reply