Sa panahon ngayon, lahat na yata ng tao ay may computer at internet sa bahay. Alam mo ba na maaari mo namang pagkitaan yan? Madaming paraan upang kumita kahit hindi ka na umalis ng bahay. Gamitin lang ang iyong kaalaman. Kaysa naman mag-Facebook ka buong araw, gamitin mo ang iyong internet para kumita ng pera.
Ilang paraan para kumita ng Pera gamit ang Computer at Internet
1. Suriin ang iyong mga talento at kaalaman. Magaling ka ba magsulat? Puede ka maging blogger sa wikang nakasanayan mo o kaya ay sa Ingles. May mga programa tulad ng Google Adsense na maaari mong gamiting sa iyong blog upang kumita.
2. Maghanap ng mga website na mapagkikitaan. Madaming website na tumatanggap ng mga tao upang gumawa ng kahit ano, depende sa kanilang talento. Maliban sa pagiging blogger, puede ka din magsulat or kaya ay gumawa ng mga website para sa iyong mga kliente.
3. Alamin ang mga palituntunin sa internet para maiwasan ang problema. Halimbawa, kahit saan naman talaga ay bawal ang mangopya. Kaya mag-ingat sa iyong mga ginagawa sa internet upang hindi ka maihabla ng taong may hawak pala ng copyright.
4. Mag-ingat sa mga scammer. Nagkalat yan sila sa buong internet. May mga website na nangangako ng malaking pera kapalit ng mga gawain na mukha naming madali lang gawin, tulad ng pag-klik sa mga link. Magsaliksik tungkol sa kompanya na tinutukoy nila upang malaman mo kung scam nga ba sila o lehitimo.
5. Mag-ingat palagi. Hindi ka agad yayaman sa internet – huwag maniwala sa mga email na nanalo ka ng limpak-limpak na salapi o kaya ay gagawing tagapagmana ng isang hari sa malalayong lugar gaya ng Nigeria.
6. Paano mo nga ba kukunin ang iyong kita galing sa mga tinatrabaho mo sa internet? Paypal ang pinakasikat ngayon na puede mong gamiting upang direkta na matanggap ang iyong sahod lalo na kung ang kliente mo ay galling sa labas ng bansa. Magbukas ka lang ng Paypal at i-link ito sa bank account mo dito sa Pilipinas para makuha mo ang pera.
patulong nman po kailngan lang
paano mag simula ng negosyo online sa pagbbenta ng atchara
may loptop at intrnate ako panu ba kikita ng gamit ang mga it sinu makakatulong dito . just email me.
penerawilna4@gmail.com.
Paano kung wala kang bank account ?
Paano ba gmawa non ?
ano po yong blogger po?
salamat dito.. ngayon po.. paano nyo naman na i -aply sa google adsense ang tagalog nyong blog. paki sagot po salamat.. god bless…