Paano Mag-ipon ng Pera Galing sa Sueldo

Marami sa atin ang nabubuhay ng maayos subalit wala namang na-impok na pera – yung tipong ang sueldo ay tama lang (minsan nga kulang pa!) sa mga bagay na dapat bilhin hanggang sa susunod na sahod.

Paano nga ba mag-ipon ng pera galing sahod?

piggy bank

Piggy Bank by OTA Photos

1. Kalkulahin kung magkano nga ba ang maaari mong itabi mula sa iyong sahod. Ang tamang formula ng pagastos sa sahod ay ganito: SAHOD – IPON = GASTOS. Madalas, ang mali natin ay ganitong formula ang ating ginagamit: SAHOD – GASTOS = IPON, tapos wala namang natitirang pera pagkatapos ng mga gastusin kaya wala din na-iipon.

2. Hangga’t kaya, ilaan mo 20% ng iyong sahod sa ipon at matutong mamuhay ng naaayon lang doon sa 80% na natira.

3. Gumawa ng badyet doon sa natirang 80% ng iyong sueldo. I-lista ang lahat ng iyong gastusin, kabilang ang mga maliit na bagay tulad ng gasoline or pamasahe araw araw.

4. Kung sosobra ang total ng mga gastusin, maghanap sa iyong listahan ng mga bagay na maaari mo naman tanggalin – tulad ng soft drinks at panghimagas pagkatapos kumain o kaya ay maghinayhinay sa pagbili ng load. Baka doon lang ay nauubos na ang iyong pera.

5. Ang buong 20% ay ilagay sa banko o sa isang cooperatiba. Hindi man masyadong malaki ang itutubo ng iyong pera, mas mainam pa din na iyon ang naitabi mo na.

6. Kailangan mo din alamin kung para saan nga ba yung iniipon mo. Saan mo iyon gagamitin o kaya ba ay yun na ang para sa pagreretiro mo? Yan ang magiging pangganyak mo na mag-ipon pa ng mag-ipon.

7. Mas mainam nga pala kung ang paglalagakan mo ng pondo ay hiwalay na bank account upang hindi mo mapagkamalan na pang-budget pa ang pera na laan pala sa ipon.

8. Bawat sueldo, gawin mo lang ulit ang mga hakbang na nabanggit upang mapalago ang iyong pera.

Latest Comments

  1. angelo January 23, 2015
  2. allan gozon July 7, 2015
  3. Jerica Dela Cruz September 14, 2015
  4. Mai August 28, 2016
  5. edsel January 14, 2017
  6. Joralyn Amantillo Ventura March 30, 2017
  7. RAYMOND November 8, 2017
  8. Mary Cris Vicente July 5, 2018
  9. Daniel November 2, 2018

Leave a Reply