Paano mag-apply ng Passport Online

Simula nang i-launch ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang online para sa application at renewal ng pasaporte, nabawasan ang sakripisyo ng mga aplikante na noon ay kailangang bunuin ng mahabang oras at pila para lamang gawin ito.

Paano nga ba mag-apply or renew ng passport online? Eto ang mga dapat tandaan:

Paano mag-apply ng Passport Online

Para sa mga bagong aplikante, mahalaga na tandaan at kumpletuhin muna ang requirements na sumusunod:

  • Kailangan ang personal appearance
  • Dapat mayroong confirmed appointment
  • Duly accomplished application form na maaaring i-download sa website ng DFA
  • Birth Certificate mula sa Philippine Statistics Authority (dating NSO) o Certified True Copy CTC) nito na inisyu ng Local Civil Registrar
  • Mga valid na IDs at supporting documents na magpapatunay ng iyong identity

DFA Appointment

Maaaring mag-set ng appointment online sa DFA website. Puwede ring pumunta sa mga opisina ng DFA sa probinsiya para o kaya ay walk-in, subalit ang huli ay nangangahulugan na kailangan mong maghintay at pumila rin ng matagal.

Samantala, hindi na kailangan ang appointment para sa mga sumusunod at maaari na silang dumiretso sa Passport Courtesy Lane:

  • Senior citizens (60 anyos pataas) na may kasamang 1 travel companion
  • Minors na 7 anyos pababa (May kasamang magulang at menor edad na mga kapatid)
  • People with disabilities (PWDs) na may PWD ID or visible disability na may kasamang 1 travel companion
  • Single parents (na may Solo Parent ID) at mga menor de edad na anak
  • Mga buntis na babae na may medical certificate
  • OFW na may dalang iDOLE Card, valid employment contract o work visa

Proseso ng online appointment (Note: Siguruhin na active ang email na gagamitin)

  1. Tumungo sa DFA website para sa online appointment (https://www.passport.gov.ph/appointment). Basahin ang Terms and Condition at i-check ang kahon kung ano nais niyong i-apply, individual ba o grupo (kasama ang mga kaibigan o pamilya)
  2. Hanapin ang pinakamalapit na DFA Regional Office sa inyong lugar at piliin ang Region, Country at Site. Kapag napili na ang Site, lalabas ang pinakamalapit na opisina sa inyong lugar na maaari kang mag-set ng appointment
  3. Piliin ang pinaka-convenient na schedule – buwan, araw at oras – para sainyong appointment at tumuloy sa susunod na proseso.
  4. Ilagay ang mga kailangang impormasyon, personal at tungkol sa pamilya sa mga puwang na kailangan. Dapat maging maingat sa pag-fill up ng mga impormasyon sapagkat mahirap na itong baguhin.
  5. Piliin kung ano ang tipo ng iyong aplikasyon, kung ito ba ay bago o renewal. Ilagay din ang kumpletong pangalan ng contact at contact number.
  6. Ilagay ang kumpletong address kasama na ang address ng iyong opisina, kapag meron. Tandaan na ang mga mayroong asterisk (*) ay importante at hindi puwedeng libanan.
  7. Suriin muli at i-verify kung tama ang lahat ng impormasyong ibinigay bago tumungo sa susunod na hakbang. I-confirm ito para matanggap mo ang appointment code at appointment schedule na ipapadala sa email.
  8. Buksan ang email at kunin ang ipinadalang appointment code. I-click ang naka-highlight na HERE sa email upang ma-confirm ang inyong appointment.
  9. Sa susunod na lalabas na page, piliin kung ano ang ‘Processing Type’ na nais mo – ‘Regular Processing’ o ‘Express Processing. Ang bayad sa P950, habang ang ‘Express’ ay nagkakahalaga ng P1200.
  10. I-click ang “Pay Now” upang lumabas ang “Payment Confirmation” prompt.
  11. I-click ang “Proceed to Payment” para dalhin kayo sa ePayment Portal ng DFA. Maaaring magbayad sa mga authorized payment centers o channels tulad ng Bayad Center, EcPay, Pera Hub, Robinsons Business Center and Department Stores, Waltermart Department Store, 7-Eleven, USCC (Western Union) at Villarica Pawnshop. Ito ay may dagdag na P50 para sa ‘Convenience Fee’.
  12. I-check muli ang email para sa ipapadalang reference number. Dalhin ito sa napiling payment center at magbayad. Tandaan na ang appointment ay maaaring ma-confirm lamang pagkatapos ng bayad at kailangang magbayad sa loob ng 48 oras matapos matanggap sa email ang reference number. Kapag hindi ito nagawa, maka-cancel ang inyong application.
  13. Pagkatapos magbayad, i-check muli ang email at i-print ang mga ipinadalang dokumento tulad ng Checklist ng schedule, Confirmed Application Form na may bar code, appointment reference number (ARN), at eReceipt number (2 copies of the eRECEIPT).
  14. Hintayin ang schedule at dalhin ang mga kaukulang dokumento sa takdang araw at oras. Maglaan ng sapat na oras at maagang pumunta sa opisinang napili.

Karagdagang impormasyon na dapat tandaan:

A. Mga tinatanggap na valid IDs:

  • Social Security System (SSS)/ Government Service InsuranceSystem(GSIS) Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
  • Land Transportation Office (LTO) Driver’s License
  • Professional Regulatory Commission (PRC) ID
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) / Integrated Department of Labor and Employment (iDOLE) card
  • Commission on Elections (COMELEC) Voter’s ID orVoter’s Registration Record from COMELEC Head or Regional Office
  • Philippine National Police (PNP) Firearms License
  • Senior Citizen ID
  • Persons with Disabilities (PWD) ID
  • School ID (for students)
  • Current Valid ePassport (For Renewal of ePassport)
  • Para sa mga aplikanteng nakabase sa ibang bansa, maaari nilang gamitin ang ID na inisyu ng gobyerno ng naturang bansa na nagsasaad na sila ay Filipino citizen tulad ng Residence card

B. Mga supporting documents na tinatanggap:

  • Barangay Clearance
  • Postal ID
  • NBI Clearance
  • Police Clearance
  • Land Title
  • PSA Marriage Contract
  • Seaman’s Book
  • Government Service Record
  • Elementary or High School Form 137 or Transcript of Records with a readable dry seal
  • School Yearbook
  • SSS E-1 Form
  • Voter’s Certification, List of Voters and Voter’s Registration Record (with attached receipt)

Leave a Reply