Mataas na pamasahe, siksikan sa mga pampasaherong sasakyan, ma-traffic. Yan ang ilan sa mga pangunahing dahilan kung kaya ang bawat isa sa atin ay nangangarap na magkaroon ng sariling sasakyan. Bukod pa sa lumalaking pamilya, naiisip natin na bagamat tumataas din ang krudo at gasolina, magiging kapakipakinabang kung mayroon tayong sariling sasakyan.
Ngunit di madali ang magkaroon ng sariling sasakyan lalo at wala tayong kalakihang cash na pambili ng isang bagong unit. Subalit salamat sa pag-unlad ng automative industry dito sa ating bansa, dahil dito, ang ating mga commercial banks ay mas lumuwag sa larangan ng car financing.
Ang sinuman na may kakayahan, base sa kanyang buwanang kita ay may pagkakataon na mag-aplay ng car loan.
Alam naman nating lahat na ang pangungutang sa bangko ay para ka daw sumusuot sa butas ng karayom sa dami ng hinihinging dokumento. Ganyan din sa car financing.
Ating suruin kung paano nga ba ang proseso ng pag-a-aplay ng car loan.
Note : Ang ating topic ay tungkol sa car loan application via banks. Ang mga bangko ay nagbibigay ng karampatang rates ng interest at karaniwan ito ay nauukol sa itinatalaga n gating batas. Samantalang ang mga “in-house financing” at other “financing firms” ay mas mataas ang pinapataw nilang interes.
Ang pag-aplay ng car loan
Ang unit o sasakyan.
Kung brand new unit ang sasakyang nais bilhin, marapat lamang na alamin natin kung anong brand, klase (model), engine, kulay, presyo, atbp ng sasakyan na ating planong bilhin. Maaring bumisita tayo sa mga reputable car dealers upang marebisa nating mabuti ang sasakyan.
Kung segurado na sa unit na kukuhanin, base sa presyo ng unit, alamin sa sarili kung magkano ang ibibigay na Down Payment at kung magkano ang kayang ihulog bawat buwan (monthly amortization).
Kung ang lahat ng ito ay napag-aralan ng mabuti. Maaari na tayong kumonsulta sa alinmang commercial banks na makapagbibigay ng car loan.
Saang bangko ka mag-aaplay ng car loan
Ang bawat bangko ay may kanya-kanyang patakaran sa pagpapatupad ng car financing. Kanya-kanya ding interest rates. Marapat lamang na bago tayo tumulak sa ating desisyon, maaari nating suriin ang rates ng bawat bangko. Nang sa gayon malaman natin kung aling commercial banks ang makapagbibigay sa atin ng competitive interest rates.
Tingnan ang lumalakad na interest sa pinakamalalaking bangko na nagbibigay ng car loan sa kasalukuyan:
BPI : 16.50%
BDO : 16.90%
Chinabank savings : 15.60%
PSBank : 19.50%
At sa In-house car dealer : 29.50% o mas mataas pa.
Note : Ang rates na nakasaad ay base sa 20% Down Payment at 3-Year Loan Period. Rates may change without prior notice.
At isa pa, dapat din nating isaalang-alang ang iba pang “fees” bukod pa sa halaga ng unit.
Chattel Mortgage : ito ang “fee” na kinokolekta ng bangko o merchant sa pag-ha-handle ng car loan.
LTO Registration : Bayad para sa pagpaparegistro ng papeles ng sasakyan.
Suriin ang larawan sa ibaba, nakatala ang halaga ng Down Payment at ang halaga ang buwanang amortisasyon base sa termino ng loan.
Paano pumili ng bangko para mag-finance ng iyong sasakyan.
Pinakamadaling desisyon para dito ay, piliin ang bangko kung saan maayroon kang account. Nang sa gayon, madali na ang pagpoproseso ng iyong personal data. At dahil may account ka sa bangkong ito, natural na may “statement of account” ka na sa kanila – ito ay isang pagpapatunay ng iyong kakayahan ng pagbabayad. Most banks will be happy happy na i-assist ang kanilang mga kliyente. Kita nila yan – kaya sila na din ang kauna-unahang gagawa ng paraan upang maaprubahan ng kanilang Loan Department ang aplikasyon mo para sa car financing.
Maghintay ng tawag mula sa bangko.
Pagkatapos maisumite ang mga kinakailangang requirements for car loan approval, maghintay ng tawag o abiso mula sa iyong bangko. Some banks takes less than 24 hours to approve a loan. Ang iba naman ay ilang araw. Ang lahat ay nakadepende sa mga isinumiteng dokumento. Kung kumpleto ang lahat, walang alinlangan na mailalabas na ang nais mong unit sa lalong madaling panahon.
Approval of car loan
Kapag naaprubahan nang bangko ang iyong loan application, makipag-ugnayan na sa car dealer. Kadalasan, kapag nasabi mo na sa bangko ang unit na gusto mo ay nakikipag-ugnayan na din sila sa Car Dealer. Maaring tumawag din sayo ang car dealer upang i-check ang unit na gusto mo at sabihin nila kung ito ba ay available sa casa.
I-drive na ang iyong bagong sasakyan.
Matapos ang pagbabayad sa Down Payment, Chattel Mortgage, LTO Registration at ang paglalakda sa loan agreement maari mo ng ilabas ang iyong bagong sasakyan.
Meron tayong pagpipilian, if saan mo gustong mag car loan. isaalang alng din ang mga other expenses like maintenance at iba pa