Paano Magluto ng Adobong Manok

3.63K viewsFood
0
0 Comments

Sana po magpost din kayo kung paano magluto ng adobong manok.

LieAn Changed status to publish June 28, 2021
Add a Comment
1

Mga Sangkap ng Adobong Manok
2 lbs. chicken, cut into serving pieces
3 pieces dried bay leaves
3 cloves garlic, crushed
4 tbsp soy sauce
2 tbsp vinegar
1/4 cup cooking oil
1/2 tablespoon white sugar
Salt and whole peppercorn
1 to 2 cups water
Paraan ng pagluto ng Adobong Manok
1. Sa isang lalagyan, pagsama-samahin ang Soy Sauce at garlic, saka i-marinade ang manok ng 1 hanggang 3 oras
2. Ilagay kawaling may mantika sa kalan at hayaan itong uminit.
3. Ilagay ang na-marinate na manok sa kawali. Lutuin ito sa loob ng 5 minuto.
4. Ilagay na rin ang marinade, dagdagan ng tubig kung kailangan at hayaan itong kumulo.
5. Ilagay ang dried bay leaves at peppercorn. Hayaang kumulo sa loob ng 30 minuto o hanggang sa lumambot ang karne ng manok.
6. Ilagay ang vinegar sa kawali. Haluin at hayaang maluto sa loob ng 10 minuto.
7. Maglagay ng asukal at asin, haluin, at patayin ang kalan.
8. Ilagay sa lalagyan ang Adobong Manok at ihanda ito sa hapag kainan.

LieAn Answered question July 15, 2018
Add a Comment
Write your answer.