Paano Simulan ang Negosyo sa Maliit na Puhunan

maliit na negosyo

Lahat tayo ay nangangarap na yumaman o kaya naman ay guminhawa man lang ang buhay. Huwag mawalan ng pag-asa kung sa ngayon ay mahirap ka lang. Madaming mayayaman ngayon na mahirap lamang noon.

Sa mga paraan na ito, maari mo nang simulan ang iyong negosyo sa maliit lamang na puhunan.

1. Tantiyahin kung magkano ba ang puede mong gamitin sa negosyo, gaano man ito kaliit.

2. Maghanap ng posibleng negosyo na magkakasya yung pera pang-negosyo. Kung wala kang ideya, maari ka magresearch sa internet. Madaming puede maging negosyo kahit maliit lang ang pera mo. Halimbawa, ang pagtitinda ng load ay maari mo nang simulan kung meron kang P1000.

3. Maghanap ka ng pwesto kung saan mo maaaring buksan ang iyong negosyo. Kung prepaid loading station, kahit sa bahay niyo, puede na, basta humingi ka lang ng mga posters dun sa pagbibilhan mo ng loader SIM card. Syempre, ang pwesto ay depende sa napili mong negosyo. Kapag food carts naman, mas mainam kung malapit sa paaralan o mga opisina o kahit saang lugar na madaming tao. Puede din naman na sa internet ka magbenta.

4. Hangga’t maaari,pagulungin mo ang iyong puhunan at benta/kita. Huwag mo gamitin sa ibang bagay para may puhunan ka palagi para sa susunod mo pa na puedeng ibenta.

5. Huwag hintayin na maubos ang iyong paninda (pwera na lang sa mga pagkain) bago ka bumili ng panibagong paninda. Sa paraan na yan, palagi kang may ma-ihahandog sa iyong mga mamimili.

6. Siguraduhin na maayos ang iyong paninda upang maiwasan ang mga reklamo. Tandaan mo na kasama sa layunin ng pagbukas mo ng negosyo ay ang palaguin ang iyong mga mamimili. Ang masayang mamimili ay siguradong babalik at babalik para bumili ulit.

7. Syempre, sa pagdami ng iyong benta, dadami na din ang iyong na-ipong kita. Upang lumago ang iyong negosyo, unti-unti mong damihan ang iyong paninda. Pumili ka ng ibang mga puede mo pang itinda ng sa gayon ay lumaki ang iyong negosyo.

Latest Comments

  1. Ruby Corpuz July 28, 2015
  2. Jaypee cruz December 15, 2015
    • LieAn March 15, 2016
      • Ar-khalid May 2, 2017
  3. Kharen Yasol April 29, 2016
    • Marigold May 26, 2018
  4. Jason casibu August 28, 2016
  5. gregg September 29, 2016
  6. Honey Yap January 5, 2017
    • gumamela March 9, 2018
  7. Jennifer brioso March 1, 2017
  8. Glory Cabinian March 5, 2017
  9. Rehina Almazan March 10, 2017
    • Diane September 5, 2017
  10. Barbz March 22, 2017
    • Russel Obedencio September 2, 2017
  11. celina June 18, 2017
    • Marigold May 26, 2018
  12. anna August 18, 2017
  13. Jack August 24, 2017
  14. Jovan vidal March 6, 2018
    • Cristine Base May 17, 2018
    • Keven Condada July 9, 2018
  15. Laarni April 24, 2018
    • harvey June 14, 2018
    • harvey June 15, 2018
  16. Ann Quiqs May 16, 2018
  17. Ann Quiqs May 16, 2018
  18. ricardo amante July 25, 2018
  19. Irene tool February 6, 2021

Leave a Reply