Bakit kaya ang dali tumaba at ang hirap naman magpapayat? Ang pagiging mataba ay hindi nakikita sa estado lang ng buhay dahil may mga payat naman na mayayaman at may mga mataba na mahihirap. Paano nga ba magpapayat?
2. Gaano ka nga ba kabigat? Timbangin mo ang sarili mo at isulat ito sa isang notebook. Hanapin ang tamang timbang ng na-aayon sa iyong kasarian at taas. Yun ang gawin mong target na timbang.
3. Ang pagpapayat ay nakukuha sa tamang kombinasyon ng diyeta at ehersisyo. Yung iba naman, gumagamit din ng mga slimming pills kaya lang dapat ay mag-ingat sa pagbili at pag-inom ng mga iyon. Hangga’t maaari, huwag ka na bumili ng mga produktong hindi sigurado.
4. Ang mga Pilipino ay mahilig talaga sa kanin at tinapay – mga pagkain na may carbohydrates. Ayon sa mga eksperto, mabilis nakapagpapataba ang carbohydrates lalo na kung hindi ka mahilig mag-ehersisyo.
5. Huwag ka na din uminom ng mga softdrinks at huwag kumain ng mga panghimagas na matatamis. Puede ang prutas pero huwag din naman damihan.
6. Maglaan ng panahon para sa pag-eehersisyo. Kahit madami kang trabaho, maglaan ka lang ng kahit 30 minuto sa isang araw.
7. Hindi mo ba kaya magbayad sa gym? Huwag mag-alala. Puede ka naman mag-ehersisyo sa loob ng bahay gamit ang mga video galing sa YouTube tulad na lang ng Aero Kae Bo tsaka Zumba na madali lang naman gawin kahit walang magtuturo sa iyo.
8. Isipin lagi ang malusog na pamumuhay sa kahit anong gawain. Kung malapit lang naman ang iyong pupunta, maglakad ka na lang. Makakatipid ka pa ng pera, makakapag-ehersisyo ka pa.
9. Tuloy tuloy lang ang diyeta at ehersisyo hanggang makamit mo ang timbang na tinarget mo.
Leave a comment