Paano Magluto ng Leche Flan

Ang leche flan ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino, may okasyon man o wala. Ang manamis-tamis nitong lasa and dahilan kung bakit ito ay paboritong panghimagas, lalo ng kung may okasyon sa bahay.

Leche_flan_Filipinas

By Jeanne Tiong (Leche Flan) [CC-BY-2.0], via Wikimedia Commons

Madali lang magluto ng leche flan. Kailangan lang ay mayroon kang oven o kaya ay steamer. Kapag wala ka ng mga kagamitang ito, maaari kang gumamit ng malaking kawali. Lagyan mo lang ng mapapatungan ang llanera (yung pagsisidlan ng leche flan).

Mga Sangkap ng Leche Plan

1 tasang asukal na pula

3/4 tasang tubing

12 pula ng itlog (egg yolk)

2 lata ng gatas na condensada

2 lata ng gatas na evaporada

1 kutsarita katas ng lemon

Kaunting asin

Paraan ng pagluto ng Leche Plan

  1. Paghiwalayin ang pula at puting bahagi ng itlog. Ang pula lang ang kailangan sa leche flan.
  2. Sa isang mangkok, paghaluin ang lahat ng pula ng itlog, gatas na kondensada at evaporada.
  3. Ilagay ang katas ng lemon at haluin ng maigi upang maiwasan ang mga bula.
  4. Maaari rin maglagay ng kaunting asin.
  5. Sa isang kawali, paghaluin ang tubig at asukal. Isalang sa apoy at hayaang kumulo hanggang mag-caramelize ang asukal. Ibuhos ito at ikalat sa mga llanera. Hayaang lumamig.
  6. Unti unting ibuhos ang pinaghalong kondensada at evaporada sa loob ng llanera na may nakabanig na caramelized na asukal. Huwag punuin ang sisidlan. Maglagay lang ng hanggang 1 ¼ pulgada ang lalim.
  7. Maaring lagyan ng takip na aluminum foil kapag walang dala na takip ang llanera.
  8. Ilagay sa lutuan na iyong napili at i-steam ng 35 hanggang 45 minuto. Kung sa oven naman, i-bake ng 45 minuto sa setting na 370 Celsius.
  9. Kapag naluto na, haungin at palamigin. Palamigin sa loob ng ref – huwag sa freezer.
  10. Bago ilipat sa plato, padaanin ang kutsilyo sa pagitan ng leche flan at ng llanera upang hindi mabiyak ang leche flan. Ilagay sa plato ng nakabaligtad upang yung bahagi na may caramelized sugar ang nasa ibabaw.

Latest Comments

  1. Jaynny Monilla Bgsm April 3, 2016
  2. mirasol sinet trogue May 13, 2016
  3. Wrenzcarl May 13, 2016
  4. keisie May 13, 2016
  5. Jessa M. Sasing May 17, 2016
  6. Marsha August 16, 2016
  7. angel March 26, 2017
  8. khat April 9, 2017
  9. Aeron Alrejado May 22, 2017
  10. Manel Abad October 26, 2017
  11. Ellaine flores January 5, 2018
  12. Kim ashley March 9, 2018
  13. Jeraldene July 11, 2018
  14. Ed Elaijah December 10, 2018

Leave a Reply