Alam mo bang ang dami-daming tao sa buong mundo na kumikita sa pamamagitan ng blogging gamit ang Adsense? Yung iba nga ay nakapagtayo na ng mga sariling bahay at negosyo gamit lang ang pera mula sa pagsusulat ng blog. Hindi pa huli ang lahat para sa iyo. Simulan mo na ang isang blog at baka ito ang magiging isa sa mga paraan upang kumita ka gamit ang internet.
1. Maghanap ng niche o topic na pakiramdam mo ay doon ka eksperto. Mas madali kasing magsulat kung alam mo na ang iyong mga dapat isulat kaysa naman sa kailangan mo pa magsaliksik ng todo.
2. Mag-isip ng magandang pangalan para sa iyong blog. Subukan mo din hanapin kung may kapangalan na ang naisipan mong blog.
3. Pumili ng blogging platform kung saan ka magsusulat at magpa-publish ng iyong blog. Pinaka-popular ang WordPress at Blogger pero maaari mo rin gamitin ang ibang site tulad ng Tumblr at Google+. Kung ang gagawin mong blog ay para sa adsense, mas mabuting mag-umpisa sa Blogger.
4. Maaari kang bumili ng domain upang matanggal ang mga nakakabit na pangalan ng blogging platform doon sa blog mo pero hindi mo naman yun kailangan na gawin agad agad. Ito ay may bayad pero mas magiging magandang tingnan ang iyong blog kung sarili mo na ang domain name.
5. Pumili ka ng theme o layout para sa iyong blog. Maraming libre na iyong mapagpipilian. Kapag hindi mo pa kabisado kung paano pagandahin ang iyong blog, magsaliksik ka lang at huwag mahiya magtanong sa ibang bloggers.
6. Magsulat ka ng mga post na maayos, madaling maintindihan, at nasa tama ang grammar. Isa sa iyong mga layunin ay magkaroon ng madaming mga mambabasa – madami sa kanila ang ayaw sa mga blog na pilipit ang pagkaka-Ingles o kaya ay walang sense ang mga post. Tandaan mo na ang mga mambabasa ay maaring i-bookmark ang iyong site or kaya ay maging follower mo kung gusto nila ang site or blog mo.
7. Magsulat ng magsulat ng mga post na sa tingin mo ay hinahanap ng mga mambabasa o kaya ay magsulat lang ng kung anong napupusuan mong bagay. Sa kalaunan, masasanay ka din magsulat.
8. Gawan mo ng Facebook page ang blog mo at i-update palagi.
9. Kapag sa tingin mo’y may sapat ka nang bilang ng artikulo, ihanda ang iyong blog para mag-apply sa adsense. Lagyan ng Privacy Policy Page, Contact Us Page.
10. Kakailanganin mo rin ng email address kung mag-aapply sa adsense. Mas mabuting gamitin na lamang ang email address na ginamit mo sa paggawa ng blog.
11. Mag-rehistro sa Google Adsense at hintayin kung ikaw ay maaprubahan. Kung hindi aprubahan, subukang magdagdag ng artikulo at paramihin pa ang mambabasa ng iyong blog. Palipasin ang ilang araw o linggo at mag-apply uli.
12. Kahit ilang beses ka mag-apply sa adsense dahil hindi ka naaprubahan ay walang problema.
13. Kapag naaprubahan ka, ilagay na ang ads sa iyong blog at ipagpatuloy ang pagsusulat ng magagandang artikulo.
14. Padadalhan ka ng PIN ng Google Adsense kapag kumita ka na ng lagpas $10, ito ay para ma-verify kung tama ang address na iyong nilagay nuong ikaw ay nag-apply sa kanila. Basahin lamang ang pinadalang PIN sayo at sundin ang kung ano mang instruction na naroon.
15. $100 ang dapat mong kitain bago ito ipadala sayo ng Google Adsense sa pamamagitan ng Western Union o kaya naman ay Bank Transfer o sa pamamagitan ng tseke, depende sa kung ano ang pinili mo.
Gusto maka gawa nang blog para maka tulog sa akin familya sana po maka sali ako.
Website nlang po ang kulang sakin para po ma approve na ako ni adsense saan po ba makikita ang website salamat po sa reply nyo po sana maka tulong po kayo KC po marami po akong pangarap isa na po don Yong lola. Ko po kaylangan nya po ng pang gamot kaya po ako ng sumikap na ma approve na sana ako ni adsense para po maka pang si muna na po ako maka bigay ng pang gamot ng lola ko po sana po my mag reply sakin kung pano o saan ma kikita ang website ko po…..tapos po pa suporta po ako sa blog ko po maraming salamat po sa inyo (mga ka robot) eto po name ko sa YouTube channel ko po salamat po
Ang mga Pilipino ay likas na masipag at matyaga.
Great post! mayroon din akong blogpost about adsense just visit my website guys 🙂
Nag try po akong gumawa ng first blog ko sa blogger.com today. Then i tried to google
(Search) my blog. Bakit di sya lumalabas? Need ba na na approved na ang adsence ko para makita sa google ?
Paano po gumawa ng google adsense at web site
Help me please
Hirap diko alam gagawin bago lang ako.
Paano po ba iadd ang adsense sa address ng blog?
Google adhense i mean?
Hi ok lang ba ung mag research ka sa net then copy paste lang ma aaprovahan po ba yan ng googlr adhense?
Gusto ko pong maging blogger. How po. Ba??
newbie lng po ako.. bakit po pag nag comment ang mga friend ko sa blog post ko ay di po sila maka comment? try nyo visit cdumzfat. blogspot. com
patingin namn po kung may mga mali sa pag sign up ko sa blog ko.. slmat po 🙂
gusto ko sana maging blogger at ipahayag ang aking kwento pero hindi ko alam kung papaano. baka kasi kailangan ko magbayad.
I need help on how to create blog using WordPress
How do I start
That I can monetize later
Ty
Hi!
Thanks sa info. Kakasimula ko din ngayon sa paggawa ng blog. Bka Gusto niyo din bisitahin ang blog ko. Yun nga lang hindi pa sya maayos. Hehe
Ways to make money online 2016
Sa adword po ba kelangan ba tlga ng paypal or bank account.
Ano po mas epektibo adsense or adword.
Slamat po sa sagot
Hnd pla madali mag register sa google adsense. Meron po ba kayong ibang tips upang mkahikayat ng mga mambabasa bukod sa magsulat ng marami. Slamat.
Btw. Bago lang po akong online marketer.
kagagawa ko pa lang po ng blog nais ko po sana ng assistance
Ano po maipaglilingkod namin?
Naaprubahan po ba ang tagalog blogs?
dati oo..di ko lang alam ngayon
Naaprubahan po ba ang tagalog blogs?
Kelangan ba talaga na meron kang credit/mastercard para makuha ang payout? Pwede ba ang paypal dito?
di kailangan ng credit card, sa western union pwede…di pwede paypal
[…] 1. Suriin ang iyong mga talento at kaalaman. Magaling ka ba magsulat? Puede ka maging blogger sa wikang nakasanayan mo o kaya ay sa Ingles. May mga programa tulad ng Google Adsense na maaari mong gamiting sa iyong blog upang kumita. […]